MAGKAPATID NI-RAPE NG AKYAT-BAHAY

QUEZON – Ginahasa ang magkapatid na babae ng hindi kilalang magnanakaw na pumasok sa kanilang bahay sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw.

Ayon sa report ng Tiaong Police, mahimbing na natutulog sa sa kanilang bahay sa Barangay Lusacan ang magkapatid na sina alyas “Jean,” 20, at “Gina,” 14, nang pumasok ang hindi kilalang suspek dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Nang magising ang mga biktima ay tinutukan sila ng patalim ng suspek at iginapos.

Habang nakagapos, halinhinanang ginahasa umano ng suspek ang mga biktima.

Makaraan ang panghahalay, hinalughog ng suspek ang cabinet at tinangay ang P700 salapi na nakatago rito.

Patuloy ang imbestigasyon ng Tiaong police sa insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek. (NILOU DEL CARMEN)

788

Related posts

Leave a Comment