MULING nabuhay ang takot sa posible pang sunod-sunod na malakas na paglindol nang yanigin ng magnitude 6.2 earthquake ang bayan ng General Luna sa Surigao del Norte nitong Biyernes ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang sanhi ng lindol na naramdaman bandang alas-7:03 ng umaga sa lalim na 10 kilometro.
Natukoy ang episentro ng pagyanig may 13 km timog-silangan ng General Luna.
Naramdaman ang Intensity IV sa Cabadbaran City, Agusan Del Norte; Hinunangan, San Francisco, Hinundayan, Silago, Southern Leyte; Surigao City, Surigao del Norte.
“Most likely ang source nito ‘yung Philippine Trench. It is a different segment of the trench [that moved],” pahayag ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol.
Gayunman, hindi nagpalabas ng tsunami warning ang ng Phivolcs.
Subalit nagpaalala ang state seismic bureau na posibleng lumikha ito ng mga pinsala at asahan ang aftershocks.
(JESSE RUIZ)
