MAGPINSAN, HULI SA P100-K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang magpinsan makaraang madakip sa buy-bust operation  sa kalagitnaan ng curfew hours sa ilalim ng enhanced community quarantine, at nasamsam ang mahigit P100,000 halaga ng umano’y shabu sa bayan ng General Mariano Alvarez sa lalawigang ito.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Jay AR Levardo y Caravada, 29, at Mark Anthony Levardo y Advincula, 32, kapwa residente ng Bancal, Carmona, Cavite.

Sa ulat ni P/MSgt. Jonarey Viray, ng GMA Municipal Police Station, dakong alas-11:30 ng gabi noong Biyernes nang madakip ang mga suspek sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng GMA MPS sa San Marcelino St. sa Brgy. Maderan nabanggit na bayan.

Matapos nakipagtransaksiyon sa poseur buyer ay inaresto ng mga awtoridad si Jay-Ar at nakumpiska sa kanya ang isang pouch na naglalaman ng shabu.

Inaresto rin ang pinsan nitong sa Mark Anthony na naroroon sa lugar na nakumpiskahan din ng ilegal na droga.

Sa kabuuan, nakuha sa dalawa ang tinatayang 17.5 gramo ng hinihinalang shabu o na tinatayang P119,000 ang street value. (SIGFRED ADSUARA)

154

Related posts

Leave a Comment