MAGSASAKA ITINUMBA SA HARAP NG PAMILYA

QUEZON – Patay ang isang 49-anyos na magsasaka matapos na ito ay pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa harap mismo ng kanyang pamilya sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ng Candelaria Police ang napatay na si Emillio Estole Malaluan, residente ng Barangay Sta. Catalina Norte.

Batay sa report ng Candelaria Police, bandang alas-3:00 ng hapon, nakaupo sa harap ng kanilang bahay ang biktima kasama ang ilang kapamilya nang dumating ang suspek na armado ng kalibre .45 baril.

Bigla na lamang pinaputukan nito ng limang sunod-sunod ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na naglakad palayo ang suspek na nakasuot ng jacket, sombrero at naka-facemask

Hindi na naisugod sa ospital ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Inaalam pa ng mga pulis kung sino ang suspek at kung ano ang motibo sa pamamaril. (NILOU DEL CARMEN)

379

Related posts

Leave a Comment