MAHALAGANG MA-EXERCISE ANG UTAK

Ni Ann Esternon

Gawin paminsan-minsan ang unusual routine para ma-exercise ang utak. Halimbawa nito kumain, magsipilyo o uminom gamit ang iyong opposite hand.

Alam mo bang ang neutral pathways sa brain kung kumilos ay mas matindi pa sa kalsada? Kapag mas nagagamit, mas napapadali ito. Kapag nabubuo ang habit, ang pathways sa utak ay mas nakakadaloy nang maayos at hindi ka magpapaka-effort nang sobra sa activity na magreresulta sa pagkapagod. Break your habits regularly. Sa binanggit na halimbawa, gamit ang non-dominant hand para sa routine activity ay nakakapagpatibay sa pathways at connections sa opposite side ng iyong utak.

Magandang halimbawa rin ang mag-solve ng puzzles. Napagaganda nito ang memory, attention, concentration at iba pa. Ang sudoko o crosswords sa pahayagang binabasa mo ngayon ay magandang pagsimulan ng exercise. Okay din ang mga trivia games para sa pag boost ng memory, jigsaw puzzles para sa visual at spatial skills.

Ang pakikisalamuha o pakikipag-usap sa mga bagong kakilala ay mabuti rin para sa good memory exercise. Ayon sa isang Swedish study, kung may strong social support network tayo bumababa ang risk natin sa pag-develop ng dementia by 60 percent.

252

Related posts

Leave a Comment