4TH IMPEACHMENT CASE VS SARA HINDI NAIHAIN

WALANG panibagong impeachment case na naihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon laban kay Vice President Sara Duterte.

Habang isinusulat ito ay walang impormasyon kung may grupo na nagbigay abiso sa Office of the Secretary General na maghahain ang mga ito ng impeachment case laban sa pangalawang pangulo.

Unang sinabi ni House deputy minority leader France Castro sa media noong Linggo na may grupong maghahain umano ng ikaapat na impeachment case laban kay Duterte nitong Lunes, Enero 6.

Ayon kay Castro, 10 hanggang 12 congressmen na karamihan ay mula sa majority bloc ang mag-eendorso sa ikaapat na impeachment case laban kay Duterte na itinuturing na go signal sa liderato ng Kamara.

Inabangan ito ng mga kagawad ng media subalit walang tao maliban sa empleyado ng Kamara ang dumating sa Batasan Pambansa.

Ang Kongreso ay nakatakdang bumalik sa trabaho sa Enero 13, 2025 kung saan isa sa mga inaasahang dedesisyunan kung iaakyat sa Office of the Speaker ang unang tatlong impeachment complaint na inihain ng iba’t ibang grupo laban kay Duterte noong December 2024.

Kabilang sa impeachment complaint ang inihain ng grupo ng Civil Society Group, progresibong grupo at religious individuals kung saan nakatutok ang kanilang reklamo sa kwestyonableng paggamit diumano ni Duterte sa kanyang confidential funds.

(BERNARD TAGUINOD)

50

Related posts

Leave a Comment