MAIINGAY NA TAMBUTSO KINALAWIT SA MAYNILA

NAGSAGAWA ng operasyon ang mga tauhan ng ng Manila Police District- Raxabago Police Station laban sa mga sasakyan na maiingay ang muffler/exhaust pipe o tambutso sa erya na kanilang nasasakupan sa Tondo, Manila.

Ang pagkilos ay isinagawa sa pangunguna ni Police Lieutenant Joseph

Villafranca, kasama ang ilang mga tauhan ng pulisya at mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., Station Commander, bandang alas-9:00 ng gabi noong Linggo nang magsimula ang kanyang mga tauhan na manita at tinikitan ang mga may-ari ng sasakyan, partikular na ang mga motorsiklo na may improvised muffler sa kanyang nasasakupan.

“Matagal nang ordinansa ng local government Unit (LGU) ‘yan, na ang maiingay na tambutso ay bawal lalo na sa hatinggabi kung kailan nasa kahimbingan na ng tulog ang mga tao,” pahayag ni Ibay.

Ang lahat ng kanilang nasita ay tinikitan at nagbabala na sa susunod na sila’y masita ay dadalhin na ang kanilang sasakyan sa impounding area.

Siniguro pa ni Ibay na paiiralin pa rin ang One Time Big Time Operation (OTBT) alinsunod sa pagpapatupad ng City Ordinance no. 8772 “Regulating the use of Modified Muffler/Exhaust Pipe. (RENE CRISOSTOMO)

213

Related posts

Leave a Comment