MAINE ‘DI SUMAMA KAY ARJO SA DUBAI

lolit(NI LOLIT SOLIS)

MAGANDA raw ang resulta ng walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Sabi ni Noel Ferrer na spokesperson ng MMFF 2019, hindi raw totoong bumaba ang kinita ngayon dahil sa bagyong Ursula na nanalanta sa Kabisayaan at Mindanao.

Nakakaawa nga sila roon dahil talagang apektado sila nang husto ng malakas na bagyong ito.

Pangalang kontrabida pa naman itong Ursula, na naging kontrabida talaga siya ng mga kababayan nating naapektuhan ng bagyong iyun sa araw ng Pasko.

Nakikita ko naman sa TV  na maganda ang resulta ng mga pelikulang pambata.

Nag-iikot ang mga artista sa mga sinehan para ma-promote pa rin ang entry nila.

Nakakatuwa nga si Maine Mendoza na pinili niyang huwag sumama kina Arjo Atayde na nag-Christmas sa Dubai. Mas gusto niyang makasama ang mga fans niyang nanood ng Mission Unstapabol.

Nung araw ng Pasko at inikot niya ang iba’t-ibang sinehan sa Market Market, Trinoma, SM MOA,  at marami pa.

Maganda raw ang feedback sa pelikula, at gustung-gusto nila, kaya lumalaban din ito sa takilya.

Pero ang hindi nila akalaing mag-hit nang husto ay ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach.

Nag-ikot din si  Aga kasama ang ibang cast sa ilang sinehan para magpasalamat sa lahat na mga nanood.

Sabi nga ng mga bakla, nanghinayang daw sila para kay Nadine Lustre dahil tinanggihan niya ito, kaya napunta na kay Bela Padilla.

Pero mas bagay daw kay Bela ang role eh, kaya mabuti na lang at sa kanya napunta.

Pero kung natuloy sana rito si Nadine, eh di meron na raw sana siyang nag-hit na pelikula.

Basta ituluy-ituloy lang dapat ng mga artista ang mag-promote sa mga sinehan, dahil kapag MMFF dapat tuluy-tuloy ang promo ng entry nyo.

Tingnan na lang natin kung mababago ang takbo sa boxoffice pagkatapos ng awards night.

LESSON LEARNED: SOCIAL MEDIA IS NOT BE ALL AND END ALL NG BUHAY 

Papasok na tayo ngayon sa year 2020, at parang ang gandang isulat ang 2020 di ba?

Maganda ang vision kapag sinasabing 2020 di ba? Kaya dapat magaganda na lang ang harapin natin.

Ang daming bashing na dinaanan ko nitong taon, at malamang meron pang mas matindi diyan sa mga darating na araw pero hindi talaga ako apektado.

Sa halip, gawin mong leksyon ito at may natutunan din ako sa mga ibina-bash nila sa akin.

Ang isa sa natutunan ko, hindi be all and end all ng buhay mo itong mga social media. Iyong mga harsh comments na natatanggap mo, harapin mo nang bonggang-bongga. Kung di mo kakayanin, eh di iwan mo. Ganoon lang kadali ‘yon.

Kung tingin mong makakasira na sa ‘yo, iwan mo na lang.

Just do what will make you happy, you owe that to yourself. Kaya piliin nyo nang maging masaya ang 2020 nyo! Happy new year sa inyong lahat!

 

309

Related posts

Leave a Comment