MAKABAYAN BLOC IPADIDISKWALIPIKA SA 2022?

HINDI umano pasasalihin ng Duterte administration ang Makabayan bloc sa eleksyon sa 2022 kaya lalong pinaiigting ang pagwasak sa grupo.

Ito ang inaasahan ng Makabayan bloc coalition kaya naghahanda na ang mga ito para labanan ang anomang disqualification case na isasampa ng gobyerno laban sa mga militanteng organisasyon.

“Si Presidential Security Adviser Hermogenes Esperon na rin ang nagsasabi na ang gagawin nila ngayon is to disqualify the party-list under the Makabayan bloc. So sa kanila na mismo nanggaling na merong electoral agenda din sa red-tagging,” ani dating Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casino sa virtual press conference ng Makabayan coalition.

Ayon sa dating mambabatas, alam umano ng gobyerno na mas malawak ang makinarya ng Makabayan bloc sa grass root level kaya kailangang pigilan ang mga ito na rumesbak sa administrasyon sa pamamagitan ng boto ng mamamayang Pilipino.

Kinatigan din ito ni Bayan chairman Neri Colmenares at naniniwala ito na bibilisan pa ng Duterte administration ang kanilang kilos laban sa Makabayan bloc upang masiguro na hindi sila makarehistro sa Oktubre 2021.

Inaasahan ni Colmenares na anomang araw ay maghahain na ng disqualification case ang gobyerno laban sa Makabayan bloc gamit ang katuwiran na sila ay front ng New People’s Army (NPA) dahil ayaw nilang kondehanin ang mga ito.

“So talagang ano ito, (bibilisan ang kilos)… if they file late syempre baka pagdating ng eleksyon ay hindi pa nila napapa-disqualify,” ayon sa dating mambabatas.

Ayon kay Colmenares, alam umano ni Pangulong Duterte na ang isa sa mga matinding mangangampanya laban sa sinomang babasbasan nitong kandidato sa 2022 ay ang Makabayan bloc.

“Makabayan is a very..full inspired activist who will campaign definitely against Administration candidate,” ayon pa kay Colmenares kaya para hindi mangyari ito ay aalisin sila sa electoral race sa 2022.

Idinagdag pa nito na ginagawa umano ito ng administrasyon upang takutin din ang oposisyon na magtatangkang labanan ang mga ito sa susunod na presidential election. (BERNARD TAGUINOD)

136

Related posts

Leave a Comment