Makalipas ang siyam na taon MARAWI SIEGE: 300 PA RIN ANG MISSING — ICRC

SIYAM na taon matapos ang 2017 Marawi siege, nasa 300 katao pa rin ang hindi natatagpuan, ayon sa International Committee of the Red Cross (ICRC).

Patuloy umanong hinahanap ng kanilang mga pamilya ang mga nawawala na pinaniniwalaang nasawi sa armadong hidwaan sa Marawi.

Nitong nakaraang taon, naglabas ng fatwa ang BARMM Darul Ifta na nagpapahintulot sa paghukay ng mga labi sa Maqbara cemetery kasunod ng konsultasyon sa mga ulama.

Ayon kay Aleem Ansary Abdulmalik, chairman ng Ulama Council ng Lanao del Sur, layunin ng paghuhukay na makilala ang mga labi at maihiwalay ang Muslim sa hindi Muslim alinsunod sa tradisyong Islamiko.

Matatandaang halos limang buwan ang bakbakan noong 2017 na nagresulta sa pagkasira ng malaking bahagi ng lungsod at paglikas ng tinatayang 360,000 residente.

Nilinaw ng ICRC na ang forensic human identification ay para lamang sa humanitarian purpose at hindi maaaring gamitin bilang ebidensya sa kasong kriminal.

“Through forensic science, we are able to help the families of missing persons clarify the fate and whereabouts of their loved ones,” pahayag ng ICRC, sabay diin na bawat nawawala ay may pamilyang patuloy na naghihintay ng kasagutan.

(JESSE RUIZ)

4

Related posts

Leave a Comment