MAKATIZENS WATAK-WATAK DAHIL KAY BINAY?

TARGET NI KA REX CAYANONG

HATI na raw talaga ang mga Makatizen sa usapin ng territorial dispute sa pagitan ng Taguig at Makati. Hindi matapos-tapos ang isyung ito.

Ayon sa nakalap nating impormasyon, aba’y hindi raw pala suportado ng mga Makatizen si City Mayor Abby Binay sa pahayag nitong ituloy ang laban.

Ito’y may kinalaman pa rin sa isyu ng paglilipat ng 10 barangay sa hurisdiksyon ng Taguig.

Paano nga naman kasi, ang totoo’y marami ang nais na talagang mag-over-the-bakod.

Siyempre, ang kanilang dahilan ay makaiwas na sa sobrang pamumulitika sa lungsod.

Well, hindi na rin naman bago sa ating pandinig ang mainit na bangayan ng Binay siblings.

Sangkot dito sina dating City Mayor JunJun Binay at Mayor Abby. Matindi raw ang iringan ng magkapatid na ito.

Kaya naman, kahit daw si dating Vice President Jejomar Binay ay tiklop at hindi nangingialam.

Ang masaklap, walang ibang naiipit sa kanilang bangayan kundi ang constituents ng kasalukuyang alkalde.

Naku, naku, naku.

Natatandaan ko pa nga na nang lumabas ang final and executory decision ng Korte Suprema sa Taguig-Makati territorial dispute, aba’y maraming residente na nakapanayam ng media ang nagsabing bukas sila na lumipat sa Taguig para maiba naman ang “political atmosphere.”

Nauumay na raw sila sa bangayan ng magkakapatid.

Tsk, tsk, tsk.

Sabi nga, hindi isyu sa kanila ang benefits na natatanggap ng Makati residents gaya raw ng sinasabi ni Mayor Abby dahil kaparehas lamang ng Makati ang Taguig pagdating sa benepisyong naibibigay sa kanilang mga residente.

Kung titingnan nga raw nang maigi, ang hangad na lang ng mga residente ngayon ay magkaroon ng “kapayapaan” at makaiwas na sa pamumulitika.

Kahit naman hindi ako taga-Makati, aba’y ramdam ko ang sentimyento ng mga Makatizens.

Kung ako tatanungin, ayoko rin naman ng gulo.

Kahit naman ako kung ako’y taga-Makati rin, kung totoo pala ang naririnig ko at sinasabi nila hinggil sa bangayan ng magkapatid, mas nanaisin ko ring lumipat na lang din ng Taguig.

Natatandaan n’yo ba na may PEMBO residents daw pala na lumiham na sa Taguig LGU at nagpahiwatig na gusto na nilang lumipat sa lungsod?

Sa tingin ko, sa pagmamatigas ni Mayor Binay tungkol sa territorial dispute ay tila lalo lamang itong nagdudulot ng tensyon at pagkakawatak-watak sa kanyang nasasakupan.

Abangan ang susunod na kabanata!

160

Related posts

Leave a Comment