ISA na namang COVID-19 patient ang namatay sa Barangay Catmon, Malabon City noong Huwebes, ayon sa ulat ng City Health Department.
Habang walo naman ang nadagdag na confirmed cases nitong Oktubre 15 at sa kabuuan ay 5,275 na ang confirmed cases ng COVID-19 sa Malabon, 161 dito ang active cases.
Ang mga bagong nagkasakit ay mula sa Barangay Baritan (1), Catmon (3), Hulong Duhat (1), Santulan (2), at Tonsuya (1).
Nadagdagan naman ng 41 ang mga pasyenteng gumaling. Sila ay mula sa Barangays Baritan (8), Bayan-bayanan (2), Catmon (3), Concepcion (4), Flores (3), Longos (9), Muzon (1), Potrero (6), Santulan (3), Tinajeros (1), at Tonsuya (1).
Habang umakyat na sa 4,916 ang nakarekober na COVID patients sa lungsod at 198 na ang binawian ng buhay dahil sa pandemya. (ALAIN AJERO)
