MALABON MAYOR SANDOVAL NUKNUKAN NG EPAL – NETIZENS

KINASTIGO ng netizens si Malabon Mayor Jeannie Sandoval dahil sa palagiang pagkakabit ng kanyang larawan sa halos apat na sulok ng kanilang siyudad.

Lalo na nang kumalat ang post ng isang netizen kaugnay sa ipinamahaging certificate of completion sa mga nagtapos na estudyante sa lungsod na may malaking litrato ng alkalde.

Kantyaw ng mga netizen, si Mayora daw ba ang nag-moving up at siya ang makikita sa certificate.

Masyado anilang epal ang alkalde at tila gandang-ganda sa sarili.

Sa ngitngit ng mga nagkomento, naungkat ang pagkakasangkot sa kontrobersyal na fertilizer fund scam ng asawa ni Mayor Sandoval na si dating Navotas Representative Federico Sandoval.

Ang tinaguriang P728-million fertilizer fund scam ay ang paglilipat ng agricultural funds sa mga kaalyado ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 election campaign.

Basahin ang mga komento ng netizens na nagpapahayag ng kanilang pagka-inis sa alkalde.

JuanDrewRuel:
Ang hindi nasagot ng Malabon LGU eh bakit kelangan nakabalandra yung pagmumukha ni Mayor sa dokumento

Bene:
Ngek! Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagarapal. Ultimo certificate sa school. Paaral niya?

Evangeline Dare/evadare:
Tipikal na trapo, istayl ng mga politikong sipsip kay Macoy-Dutard. Payo ko: takpan ng picture nyo ang mukha ni Mayora bago idispley o lagyan ng photo frame.

inurass001:
ganyan dito sa malabon kurakot ang nakaupo, sweldo ng teacher at empleyado ng munisipyo at ospital ng malabon ilang buwang atrasado pero pag party sagala etc may budget, puro palamuti, bawat kanto sulok may tarpulin ng muka nya

Bing Acuna:
Parang si mayor ang nag moving-up…Sobrang garapal naman yan…

Achi Mima:
Sa huli, hindi pa rin nasagot ang tanong, bakit po nakalagay ang mukha ng mayor sa certificate? Ano po ba ang gustong i-recognized, mukha ni mayor or achievement ng mag-aaral? Tinanong ko pa talaga na para bang hindi pa obvious ang sagot eh

mzrlla_frfx:
Recognition pala ng hardwork ng mga bata at magulang, bakit kailangan ng mukha ni mayor?

Set Pineda:
Siguro naman papalitan ni mayor #jeanniesandoval ang mga diploma ng mga bata at siya rin ang gagastos s papel, printing and distribution nito. Question: bakit pinayagan ng Dept of Eduction ang ganitong pangyayari

BrownEyes:
Hindi ba pwedeng isabatas na bawal na maglagay ng picture ng pulitiko sa kahit na anong certificate?

@01BronzBeauty30:
I am from Malabon, lahat ng kanto dito smin my mukha nya haha. muntik ng masakop half ng recognition paper ng mukha ng Mayor naming kups kakalerky!

NickoNicko:
Lantarang pagwawaldas sa pera ng taong bayan ng Malabon

thirtysomethinglarrie has faith in the future:
sayang papel
so pinagkagastusan pero wala namang purpose yung papel?
marami bang pera ang malabon at kaya nila magsayang ng pera sa ganiyang mga bagay?

James Cedric Lim Hassan:
Noted, the good Mayor wanted to make sure they get good education, so the point is does it necessarily required to put her photo in there. What is the relation of her photo them getting quality education?
Does the mayor paid for her our pocket or ppls tax? then the nerve!

roel simon:
taga malabon ako, lahat ng kanto ng barangay dito sa amin, http://pagmumuka.ni jeannie sandoval ang naka balandra, gandng ganda sa sarili ang kupal.

Colleen:
This was very inappropriate and disgusting. Remember that this is an official document of your educational achievement that you would want to keep in your lifetime.

B A C O N:
These Certificates signify honor on hardships & expertisms of the person being awarded , the presence of Mayor’s photo on it signifies the exact opposite of being honorable as public servant. Why did no one in her office tell her about it?

noel:
Matagal na nilang gawain ‘yan lol. Kahit sinong Mayor laging nakabalandra mukha. Pinapa-repaint pa lahat ng building, kalsada at karatula as if pera nila ginagastos.

cheersadora:
Hindi naman forever na siya ang nakaupo. Paano after 50 years and nakita yung cert ng may-ari or someone? Sana man lang yung mga certificates na personal possession ng pagbibigyan and yung mismong tao na mag mamay-ari ay binibigyan respect.

Longganisa Seller:
Beh sobrang epal nian dito kung alam nio lng, lahat merong mukha nya tlg pati tarp ng nakapasa ng boards mas malaki pa yung mukha nya kesa dun sa nakapasa. Dami ring tarps here na pa-welcome sa mga Marcos ang laki laki tas nakalagay lng “Welcome Mx. Marcos” papansin yan so much.

Sir-Floats-A-Lot:
Kung Ayaw nyo umasenso, iboto nyo lang ulit yung mga katulad nyan. Wala namang pakialam sa Inyo yang mga yan.

Disgusting:
Ang dami mga pangit na pagpapalakad ‘yang mayor na ‘yan eh, first yung hindi pagpapasahod or super delayed compensation sa mga guro sa cmu pati na sa mga employee ng cityhall at bali-balita den sa ospital ng malabon delayed pasahod din dagdag mo pa na ang pangit ng pagpapalakad++

sadbattrol:
Maganda po pagka-print Nyan… Kukupas ang fonts, ang Mukha Hindi…

Arian:
Pinaka epal na politiko. Lahat ng okasyon may pa billboard na mas malaki pa siya kesa don sa cine-celebrate. Kahit siya lang may alam na ganong klaseng celebration pala.

Kristen:
Diskarte para sa eleksyon! Aga naman nyan! Hahaha

KAMILA:
Nung nagfiesta nga ung simbahan ng concepcion ung banderitas nakaprint pangalan nya e. feeling sya ung cinecelebrate

Jantaramiyong:
Akala ko certificate of completion ni Jeannie Sandoval.

580

Related posts

Leave a Comment