MALAKANYANG SA 2028 BETS: BAKA HINDI QUALIFIED

PINAYUHAN ng Presidential Communications Office ang mga nagpahayag ng planong tumakbo sa 2028 presidential elections na mag-isip kung kwalipikado at handa silang mamuno.

Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, dapat tanungin ng mga aspirante ang sarili kung makatutulong ba sila sa bayan o sariling interes ang uunahin.

Inihayag ito matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum na mahalaga ang lider na may malalim na pag-unawa sa ekonomiya, kayang lumikha ng trabaho, mapanatiling mababa ang inflation at matiyak ang food security.

“So, sa mga nangunguna o inuuna ang pamumulitika sa ngayon ay mag-isip-isip dahil baka hindi kayo qualified,” diin ni Castro.

Sa ngayon, ayon sa Malakanyang, nakatutok ang Pangulo sa serbisyo habang patuloy ang diskusyon hinggil sa susunod na halalan.

(CHRISTIAN DALE)

41

Related posts

Leave a Comment