Malawakang dayaan sa 2022 presidential elections, pinangangambahan SMARTMATIC UTAK NG DAYAAN?

NELSON S. BADILLA

PINANINIWALAANG magkakaroon muli ng malawakang dayaan sa eleksyong presidensiyal at bise presidensiyal sa 2022 dahil vote counting machines (VCMs) ng kumpanyang Smartmatic pa rin ang gagamitin sa nasabing pampulitikang aktibidad.

Ayon sa impormasyong galing sa Senado, walang kahilingan ang pangulo ng mataas na kapulungan ng Kongreso na si Senador Vicente Sotto III, o sinomang senador, sa Department of Budget and Management (DBM) na dagdagan ang P14.56 bilyong badyet ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2021.

Wala ring impormasyon na nagkasundo ang mga senador na itaas pa ang P14.56 bilyon.

Ang orihinal na hiningi ng Comelec sa DBM ay P30 bilyon, ngunit hindi man lang umabot sa eksaktong P15 bilyon ang inihanda ng DBM sa badyet ng Comelec.

Dahil dito, hindi nagbabago ang pahayag ni Comelec Chairman Sheriff Abas na gamitin ang VCMs ng Smartmatic na ginamit sa eleksyon noong 2019 na ginamit rin noong 2016.

Ani Abas sa Senado noong Oktubre, plano ng Comelec na bumili o umarkila ng bagong VCMs, na gagamitin sa eleksyon sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo ng bansa sa P30 bilyong badyet.

Ang VCMs ang ginagamit na tagabilang ng mga boto upang maging mabilis ang resulta ng halalan.

Bahagi ito ng modernisasyon ng eleksyon sa Pilipinas na idineklara sa Election Automation Act of 2006.

Tiniyak noong Enero 2010 ng Comelec chairman noon na si Jose Melo na ang Pilipinas ay “finally moving away from the known flaws and weaknesses of the old ways of doing things [in previous national and local elections]” sa isasagawang halalang 2010.

Idiniin ni Melo na “towards an automated election system that promises a speedy and accurate count, a highly efficient reporting mechanism that democratizes the count and canvass of election results, and most importantly, the extinction of dagdag-bawas”.

Sina Senador Benigno Cojuangco Aquino III at Makati City Mayor Jejomar Binay ang nanalong pangulo at pangalawang pangulo nong halalang 2010.

Noong 2013, pumutok ang dayaan sa eleksyon sa pagkapanalo ng mga kandidato ni Aquino at ng Liberal Party (LP).

Itinanggi ng Smartmatic ang akusasyon.

Noong Agosto 2015, itinalaga ni Aquino si Atty. Andres Bautista bilang Comelec chairman.

Si Bautista ay naging chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) mula Agosto 2010 hanggang bago siya ipinuwesto ni Aquino sa Comelec.

Dating dekano si Bautista ng School of Law ng Far Eastern University (FEU), ang pamantasang pag-aari ng pamilya ng kapatid ni namayapang Pangulong Corazon Aquino, nanay ni Noynoy Aquino.

Hindi pa bumabalik sa Pilipinas si Bautista na nahaharap sa kasong kriminal, tulad ng isinampa ng kanyang asawa sa piskalya ng lungsod ng Taguig.

Noong eleksyong 2016, matindi ang akusasyon ng malawakang dayaan sa halalan.

Kahit paulit-ulit na itinanggi ni Bautista at ng Smartmatic ang akusasyon ay hindi ito natuldukan.

Gayunpaman, ginamit pa rin ang VCMs ng Smartmatic noong eleksyong 2016.

Matindi pa rin ang dayaan sa nasabing halalan.

Ang lumabas na balita sa media ay ipapanalo si Mar Roxas sa pagkapangulo, ngunit hindi nangyari dahil hindi naawat ang boto kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tumaas sa mahigit 16 na milyon.

Pumangalawa si Roxas kay Duterte, samantalang palagi itong nasa hulihan o malapit sa dulo tuwing sarbey.

Si Robredo ay nanalong bise presidente makaraang biglang naungusan niya ng mahigit isang milyon lamang na mga boto ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanya.

Naghain ng protestang elektoral si Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) noong Hunyo 29, 2016.

Ngunit hanggang ngayon ay nakabinbin pa sa PET ang protesta ni Marcos at wala pang desisyon, partikular si Justice Marvic Leonen (ponente ng kaso), hinggil sa hinihingi ni Marcos na “annulment of votes” sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao kung saan pinaniniwalaang napakatalamak ng eleksyon.

Ang dayaan umanong naganap sa bansa gamit ang VCMs ng Smartmatic ay putok ding balita sa katatapos na halalan sa Estados Unidos.

Ayon kay dating New York City Mayor Rudy Guiliani, ang VCMs ng Smartmatic na ginamit sa Pilipinas at sa Amerika ay puwedeng gamitin sa pandaraya sa halalan.

Sinabi ni Guiliani, abogado ni re-electionist President Donald Trump, sa Fox Business Channel na ang VCMs ng Smartmatic ay “hackable”.

Ang VCMs na ginamit sa katatapos na halalan sa Amerika ay pag-aari ng Smartmatic, sa pamamagitan ng “intermediary company” nito na Indra.

Nanalo si Democrat Joe Biden laban kay Republican Trump nang makakuha ang una ng mahigit 270 boto sa U.S. Electoral College.

Dahil sa reklamong dayaan sa halalan sa Amerika mula sa Smartmatic na sinapit din ng Pilipinas noong 2016 at 2019 ay hindi nakapagtatakang mabalot muli ng pagdududa at kontrobersya ang gaganaping halalan sa 2022.

Ito’y dahil walang planong ipahinga ng Comelec ang VCMs ng Smartmatic.

138

Related posts

Leave a Comment