PINANINIWALAANG hindi nabigyan ng tamang impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa kaso ng ilang immigration officials patungkol sa “Pastillas scheme”.
Nauna nang ipinahayag ng pangulo na ang mga nasabing opisyal ay nasibak sa serbisyo matapos ang 6-month preventive suspension na ipinataw ng Office of the Ombudsman (OMB) na ngayon ay nakabalik sa serbisyo habang patuloy ang pagdinig sa kanilang kaso.
Kaugnay nito, pinupuri natin sina Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevara at Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval sa pagtutuwid sa sinabi ng pangulo na ang mga akusado ay nasibak sa kanilang trabaho na mayroong proseso rito ang batas, kaya hanggang walang hatol ang korte, ang mga ito ay nananatiling inosente sa anomang akusasyon.
Matapos na makabalik ang mga immigration officer sa kanilang pagkakasuspinde ay tila kinakawawa naman umano ang mga ito ng isang mataas na opisyal na tinaguriang “Bella Flores” ng BI?
Aba, madam ganu’n ka na kalufet at pati ang nararapat na suweldo ng maliliit na empleyado ay iniipit mo?
May Gad!!
Hindi maiwasan saanmang ahensya ng gobyerno na kapag binabato ng putik ang isang lider ay imbes na harapin at imbestigahang maigi ang isang paratang ay mas ninanais nito ang maghugas ng
kamay at hayaang malubog sa kumunoy ang kanyang tauhan, inosente man ito, o hindi.
Ano nga ba ang totoong kuwento kaugnay sa Pastillas scandal?
Sa larangan ng patas na pamamahayag, nagsagawa tayo ng sarili nating imbestigasyon at hindi tayo umasa sa press release ng ahensya, o kung sinomang pulitiko na nais magpabango.
Bago pa man pumutok ang pagdinig sa Senado kaugnay sa Pastillas scheme, nagplano ang ilang inggiterong opisyal ng BI, isa na rito si alyas “Macho Chiquito”, na nambuyo sa ilang lumutang na whistle blower upang sabihin ang kanilang nalalaman sa umano’y katiwalian sa airport na sinakyan naman ng isang senador na akala mo’y talagang makabayan, ngunit sa likod nito ay isang anino ng kasinungalingan na nais lamang din makakuha ng atensyon at maaring nakikinabang sa katas ng pangongotong ni Macho Chiquito sa mga Chinese national.
Alam kaya ng pangulo na noong hindi pa pumuputok ang isyung ito ay mukha pang kamoteng bayot itong si Macho Chiquito na walang posisyon sa ahensya at pagkatapos magbenta nito sa senado ng maling impormasyon ay nagkaroon ito ng puwesto na siya namang ginagatasan ang mga dayuhan.
oOo
PARA sa inyong Sumbong at Reaksyon, maaring itext ako sa 09158888410.
(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)
196 