MANAGER SWAK SA ESTAFA SA DINOKTOR NA BENTA

TAYABAS CITY – Nahaharap sa kasong estafa ang branch manager ng isang tindahan ng mga motorsiklo matapos doktorin umano nito ang mga resibo at itakbo ang benta ng tindahan.

Kinilala ang suspek na si Ma. Christina Caagbay Santos, 28, branch manager ng Mariel Machineries, Inc. sa Tayabas City.

Batay sa report ng Tayabas City Police, nadiskubre ng auditor ng dealer ng motorsiklo, na binago ng suspek ang mga resibo ng 45 units ng motorsiklo na kanilang nabenta mula noong Agosto 17, 2021.

Naibenta ang mga motorsiklo sa pamamagitan ng cash basis ngunit pinalabas ito ng suspek na mga hulugan at hindi ini-remit ang nasa P2,702,389 halaga na pinagbentahan.

Matapos madiskubre, gumawa ng compromised/promissory notes agreement ang suspek at nangakong ibabalik ang nawawalang pera ngunit hindi naman ito tumupad.

Kasalukuyang nagtatago na ang suspek na nahaharap sa kasong qualified theft at estafa. (NILOU DEL CARMEN)

166

Related posts

Leave a Comment