Samantala, naniniwala si Tulfo na kailangang pag-aralang mabuti ang pagsusulong ng panukalang pagbabalik ng mandatory Reserved Officers Training Corps sa kolehiyo.
Sinabi ni Tulfo na kailangang balansehin ang mga buti at hindi buting maidudulot ng panukala.
Gayunman, inihayag ni Tulfo na sa kanyang inisyal na pag-aaral, nakikita niyang maaaring ikonsidera ang pagbabalik ng mandatory ROTC.
“Pag-aralan muna dapat ‘yan nang mabuti. Kasi may mga pros and cons dyan. Para sa akin, siguro pwede, in the name of nationalism, maging nationalistic ang ating mga kabataan. Mas maganda naman kesa naman natetengga sila pagkatapos ng eskwela, walang ginagawa kung anu-anong naiinvolve sa bisyo,” pahayag ni Tulfo.
“Mag-ROTC na lang para later on kapag kakailanganin sila, in case of, na kapag tayo ay nilusob, sana wag naman, ng foreign forces ay agad agad pwede sila call into action,” dagdag ng senator-elect.
Iginiit nito na mas makabubuti na mayroong kaunting kaalaman ang kabataan sa military training upang hindi rin sila maligaw kung kinakailangan ng pagkilos nila. (DANG SAMSON-GARCIA)
362 