MANGINGISDA MISSING SA LUMUBOG NA BANGKA

LAGUNA – Nawawala ang isang mangingisda habang nasagip ang apat nitong kasamahan makaraang lumubog ang isang fishing boat sa Laguna de Bay sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Lunes.

Ayon kay Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) head Jeffrey Rodriguez, ang nawawalang biktima ay kinilalang si James Laude ng Barangay Paciano, Calamba City.

Nasagip naman sina Florante Obciara, 50, boat operator; Mervin Villapano, 35; Polinar Casipit, 25, at Zaure Denver Norte,11, pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, bandang ala-una ng hapon nang pumalaot ang bangka ng mga biktima sa lawa ngunit dahil sa malakas na alon ay nawalan ng balanse ang nasabing sasakyan hanggang sa tuluyang lumubog. (CYRILL QUILO)

282

Related posts

Leave a Comment