MANILA LGU NAGLABAS NG PAALALA PARA SA UNDAS 2025

NAGLABAS ng paalala ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga bibisita sa Manila North Cemetery ngayong Undas 2025 upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo ang pagdadala ng baril, matatalim na bagay gaya ng kutsilyo at cutter, nakalalasing na mga inumin, alagang hayop, gitara, malalakas na sound system, at anomang bagay na madaling magliyab tulad ng alkohol at thinner.

Ayon sa anunsyo, bukas ang sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi.

Ang huling araw ng libing ay itinakda sa Oktubre 28, habang ang paglilinis, pagkukumpuni, at pagpipintura ay pinapayagan lamang hanggang Oktubre 27.

Hindi rin papayagang makapasok ang anomang uri ng sasakyan sa naturang araw, at ang regular na operasyon ng Manila North Cemetery ay babalik sa Nobyembre 3.

(JOCELYN DOMENDEN)

40

Related posts

Leave a Comment