(NI ABBY MENDOZA)
HINDI lamang pagiging malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kuwalipikasyon sa susunod na House Speaker kundi una ang pagiging competent at experienced bilang isang mambabatas, kung bagito ay tiyak na mapapaikot lamang ito.
Ayon kay Ranjit Rye,isang political analyst sa University of the Philippines, kung ang hangad ng Pangulo ay maitulak ang kanyang mga legislative agenda ay kailangan nito ng House Speaker na may kaalaman hindi lamang sa Kamara kundi sa Senado.
“The House of Representatives will play a crucial role in ensuring in pushing the legislative agenda of PRRD as well as needed legislation for social and economic reform, it will need a speaker who is not just competent but also experienced and with the gravitas that is recognized not just in the House but also in the Senate,” pahayag ni Rye.
Aniya, hindi sapat na inendorso lamang ng kakilala o ng kung sino bagkus ay dapat may working relationship sa Pangulong Duterte.
“The House needs a leader who h as a working relationship with Presidente Duterte and can actually get things done,” dagdag pa ni Rye.
Matunog na maging speaker sina Taguig-Pateros congressman-elect Alan Peter Cayetano, Leyte-congressman Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.
Si Cayetano ay naging konsehal, vice mayor, kongresista, senador at kalihim ng Department of Foreign Affairs. Siya ay running mate ni Duterte noong 2016 presidential elections.
Maliban sa pagiging kongresista ay pangulo ng Philippine Constitutional Association si Romualdez habang nasa ikalawang termino pa lamang si Velasco.
Una nang ibinunyag ni Alvarez ang vote buying sa Kamara para sa Speakership race kung saan lumutang ang pangalan ni Velasco na pinopondohan ni San Miguel Corp President Ramon Ang para makakuha ng boto ng mga mambabatas kapalit ng P1M.
Aminado ang Makabayan Bloc ng Kamara na hindi lamang palakasan kay Pangulong Duterte ang labanan sa Speakership kundi labanan din ng mga business tycoon na may sari-sariling manok para maprotektahan ang kanilang interes.
Si Ang ay sinasabing nasa likod din noon ng kandidatura ni Sen Grace Poe nang tumakbo ito sa pagpanguluhan, si Poe ay sinuporatan noon ni Velasco sa 2016 election.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)