MARCOS-GO NA SA 2022 PRESIDENTIAL ELECTION?

MAY mga umugong sa social media kamakailan na pwedeng magtandem sina dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. o si BBM kung tawagin ng malalapit niyang kaibigan at si Senador Christopher “Bong” Go sa 2022 Presidential Elections.

Umugong ang isyung ito nang magtungo si Sen. Go sa Ilocos Norte upang buksan ang kaniyag Malasakit Center sa nasabing lalawigan.

Ayon sa mga Netizens, malakas ang tandem ng dalawa kung hindi tutuloy sa pagtakbo si Presidential daughter Inday Sara Duterte.

Matatandaan na kamakailan ay may lumabas na resulta ng survey na nangunguna sa mga presidentiables si Inday Sara na sinundan naman ni Bongbong Marcos.

Kung kaya’t may mga ispekulasyon na maganda sanang tandem ang dalawa para sa nalalapit na eleksyon.

Ika nga sa mga komento ng netizens sa social media, ang BBM-Inday Sara tandem ay pinakamalakas na pambato ng administrasyon sa 2022 presidential elections.

Pero sinundan agad ito ng Marcos Go na tinawag nilang “Marcos Go na sa 2022 Presidential Elections”.

Umaasa ang netizens na ang Marcos Go Na o kaya ang BBM-Inday Sara ang magpapatuloy at magpapaunlad sa bansa na sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga plataporma kasi nila ay magkakatugma kaya hindi sila mahihirapan sa implementasyon ng mga programa at proyekto para sa taumbayan.

Inaasahan din ng mga netizens na ang magiging ­pangunahing adviser ng tandem na BBM-Inday Sara o hindi kaya’y kaya Marcos-Go ay si Pangulong Duterte.

Kung kaya’t ang programang “Build Build Build” ng kasalukuyan administrasyon ay magpapatuloy sa nasabing mga tambalan.

Inaasahan din ng naka­raraming Pinoy na ang mga ito ang siya ring magpapatuloy sa pagpapalakas o modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Kamakailan, nagsalita si Pangulong Duterte na ang pagiging presidente ng bansa ay hindi pambabae kung kaya’t lumalabas na ayaw niyang patakbuhin si Mayor Inday Sara sa ­pangpanguluhang halalan sa taong 2022.

Sa kabila ng pagsasabi ni Pangulong Duterte na hindi pambabae ang pagiging presidente ng bansa ay marami pa rin ang nagsusulong ng tinawag nilang “Run Sara Run”.

May namataan na rin tayong mga sasakyan sa kalye na may nakapaskil na “Run Sara Run” na umiikot sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Balik po tayo kay BBM. Bagama’t may lumabas na ­desisyon ang Korte Suprema na pumabor kay Leni Robredo ang election protest ay marami pa rin ang naniniwala na ang tunay na halal na vice president ay si dating Sen. Bongbong Marcos.

Sabi nga nila, tuloy ang laban sa 2022 presidential elections kahit sinoman kina Mayor Inday Sara o Bong Go ang maging katandem ni BBM.

Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang filing ng Certificate of Candidacy para 2022 election ay mula Oktubre 1 hanggang 8, 2021.

Matatandaan noong pinakahuling eleksyon ay wala man lang ni isa sa mga kandidato ng Liberal Party (LP) o OTSO Diretso ang nakalusot sa kanilang kandidato mga senador.

Halos lahat ng mga pumasok ay pawang mula sa PDP Laban.

Inaasahan ng netizens na posibleng maulit ito sa 2022 presidential elections para maipakita na rin ang kanilang pagkadismaya sa resulta ng election protest ni ­Bongbong Marcos laban kay Robredo.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.

247

Related posts

Leave a Comment