MARCOS NO COMMENT SA PATUTSADANG ‘BANGAG’ NI DUTERTE

HINDI direktang tinugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay addict at nasa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa ambush interview kay Pang. Marcos bago ito lumipad patungong Vietnam, tinawanan lamang ng Presidente ang alegasyon.

“I won’t even dignify,” aniya.

Kasabay nito, hiniling ni Marcos Jr. sa mga doktor ni Duterte na alagaan itong mabuti dahil sa masamang epekto ng Fentanyl dito.

“I think it’s the Fentanyl. Fentanyl is the strongest pain killer that you can buy. It is highly addictive and it has very serious side effects, and PRRD has been taking the drug for a very long time now,” ayon kay Pangulong Marcos.

Hiningan kasi ng reaksyon si Pangulong Marcos kaugnay sa alegasyong ibinabato sa kanya ni dating Pangulong Duterte.

“When was the last time he told us that he was taking Fentanyl? Mga five, six years ago, something like that. After five, six years, it has to affect him kaya palagay ko, kaya nagkakaganyan. So, you know, I hope his doctors take better care of him than this – hindi pinababayaan itong mga nagiging problema,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

Nauna rito, mariing itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasama si Pangulong Marcos sa watchlist nito para sa mga taong sangkot sa illegal drug use kontra sa akusasyon ni dating Pangulong Duterte.

“Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was never in its watchlist,” ayon sa kalatas ng PDEA.

(CHRISTIAN DALE)

354

Related posts

Leave a Comment