TINIYAK ng bagong luklok na chairman ng Joint Chief of the Armed Forces of the Philippines Lt. Gen. Cirilito Sobejana na mas magiging maingat ang AFP at inihayag na kakausapin nito si Solcom Commander at NTF-ELCAC Spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade kaugnay ng umano’y pagbabanta nito sa isang reporter.
Sa isang panayam, inihayag ni Sobejana na ang AFP ay protektor ng mamamayan at hindi kailangan pagbantaan maliban kung sila ay napatunayang kalaban ng Estado.
“We should exercise due diligence para sa ganon makapagbigay tayo ng magandang serbisyo sa ating mga kababayan. We should not hurt anybody unless he is an enemy of the state.”
“We have to really properly identify the enemies of the state as what I said so that walang collateral damage and so on. So rest assured na magiging deliberate kami sa aming mga ginagawa,” anang heneral.
Idinagdag pa ni Sobejana na, “to win the war against insurgency, the state forces must not only make itself bigger, but make the enemy smaller.”
“It’s better to gain friends than create enemies. Besides, we are mandated to serve the people and should not appear as the enemy of the people,” ani Sobejana.
Ayon sa Heneral, bagama’t nagsalita si Parlade bilang spokesperson ng NTF-ELCAC, ang kanyang mga aksyon ay nagre-reflect din sa AFP.
Sinabi pa nitong tanging si Maj. Gen. Edgard Arevalo ang nakatalagang tagapagsalita ng AFP at si Parlade ay nagsasalita para sa NTF-ELCAC.
Ang nasabing isyu ay may kaugnayan sa Facebook post ni Parlade kung saan inakusahan nito bilang isang “propagandista” ang reporter ng Inquirer dahil sa istorya tungkol sa petisyon sa Korte Suprema ng mga katutubo na umano’y tinorture ng militar.
Sa naturang post, itinanggi ni Parlade na may nangyaring ganung insidente at sinabi na maaaring idemanda ang mamamahayag dahil sa pagtulong sa mga terrorista sa pamamagitan ng pagkakalat ng kasinungalingan.
Inamin naman ni Mgen Arevalo, na may natanggap silang ganuong reklamo subalit wala umanong maipakitang ebidensiya ang mga nagrereklamo. (JESSE KABEL)
211
