MASAGANA 150 AT 200 ILULUNSAD SA OKTUBRE

TARGET ng gobyerno na ilunsad sa darating na Oktubre ang mapataas ang produksiyon ng bigas sa pamamagitan ng Masagana 150 at 200.

Sa post SONA Economic briefing, inihayag ni Agriculture Asst. Secretary Arnel de Mesa na hangad nilang makamit ang rice inbred production ng 7.5 metric tons kada ektarya.

Sa hybrid rice ani De Mesa, puntirya nila na maabot ang sampung metriko tonelada kada ektarya sa ilalim ng nabanggit na programa.

Aniya pa, may mga intervention na rin silang gagawin para ma-digitalize ang nasa sektor ng pangingisda at pagsasaka.

Samantala, ipatutupad nila ang registry system sa naturang mga sektor sa harap ng ipinupursige ng pamahalaan na matulungan ang mga mangingisda at magsasaka sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

239

Related posts

Leave a Comment