MASALIMUOT NA PAG-AAMPON SA PINAS PINUNA

SINISISI ni Senador Grace Poe ang mahaba at masalimuot na proseso sa pag-aampon kaya’t maraming bata ang nananatiling ulila.

“Unfortunately, adoption in the Philippines is currently a long, costly and tedious process. This has discouraged many potential parents from pursuing adoption,” sabi ni Poe.

Aniya, libu-libong abandonadong bata ang hindi nakahahanap ng bagong pamilya dahilan sa matagal na prosesong pinagdadaanan sa pag-ampon.

Sa inihain nitong Senate Bill No. 1070 o ang Domestic Administrative Adoption bill, sinabi ni Poe na panahon nang mabawasan ang 3-taong proseso sa pag-ampon sa bawat abandonadong bata.

Gayundin, ang proseso ng administratibong pag-aampon sa ilalim ng kasalukuyang batas ay tumatagal ng tatlo hanggang anim na buwan, ngunit ang paglilitis para sa judicial proceedings ay tumatagal ng maraming taon.

“I firmly believe that adopting one child may not change the world, but it will certainly change the world for that child,” ani Poe.

“With this bill, it is my hope that more Filipinos will be able to adopt children because every child deserves a good home, a family and a future. Ang pamilya ay nasa puso, hindi lamang sa dugo,” dagdag pa nito.

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mula 2009 hanggang Setyembre 2020 ay umabot na sa kabuuang 7,890 bata ang idineklarang maaari nang ampunin.

Idinagdag pa ng DSWD, sa kasalukuyan ay nasa 4,943 bata ang naghihintay pa ring ampunin at magkaroon ng permanenteng tirahan at pamilya. (NOEL ABUEL)

199

Related posts

Leave a Comment