MALAKI ang posibilidad na magpatupad ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila (MM) kapag naisailalim na ng mga Local Government Unit (LGU) sa mass testing ang kanilang nasasakupan hanggang Mayo 15.
Ayon kay National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez na ipinatutupad na ang mass testing sa buong National Capital Region (NCR) kasama ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na naka-quarantine sa MM.
Sinabi ni Galvez, sa sandaling ma-identify na ang mga possible carrier ng COVID-19 at ma-isolate na ang mga ito ay magsasagawa ng rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) kay Pagulong Rodrigo Roa Duterte para magpatupad ng selective ECQ sa MM at maisailalim sa general community quarantine (GCQ) ang mga lugar na kontrolado na ang pagkalat ng COVID-19.
Samantala, nakasentro ngayon ang National Task Force on COVID-19 sa pagpapatupad ng T3 O Tracing, Testing at Treatment sa mga suspected COVID-19 positive. CHRISTIAN DALE
129 