SOLON SA DOH: MAGHANDA SA WORST CASE SCENARIO SA GCQ

PINAGHAHANDA ni Senador Sonny Angara ang Department of Health (DOH) sa posibleng worst case scenario sa sandaling alisin na ang enchanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Sa gitna ito ng pangamba ng senador sa posibilidad na sa ilalim ng general community quarantine (GCQ), mas marami ang lalabag sa quarantine rules.

Isama anya rito ang posibilidad na marami ang hindi susunod sa social distancing, partikular sa public transportation.

Sa ganitong senaryo anya posibleng tataas pa ang bilang ng mga tatamaan ng virus kaya’t dapat nakahanda ang DOH.

Dapat anyang isaalang-alang sa paghahanda ang mas maraming pasilidad para sa mga taong kailangang isailalim sa quarantine. DANG SAMSON-GARCIA

166

Related posts

Leave a Comment