Masusing iniimbestigahan ng PNP-PRO5 MAG-ASAWA NILIKIDA SA LOOB NG BAHAY

NAGSASAGAWA ng background check ang mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 hinggil sa katauhan ng mag-asawang nilikida ng riding in tandem sa loob mismo ng kanilang bahay noong Lunes ng madaling araw sa Gubat, Sorsogon.

Nais ng mga imbestigador na alamin ang posibleng motibo ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa walang-awang pagbabaril sa mag-asawang sina Rodolfo Gaban, karpintero, at Gloria Gaban.

Ayon sa report ng Gubat Municipal Police Station (MPS) na ipinarating kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, dumating umano ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo at biglang pumasok sa bahay ng mga biktima saka agad na pinaulanan ng bala ang natutulog na si Rodolfo.

Nagmakaawa pa umano ang maybahay nitong si Gloria subalit agad ding binaril ng mga suspek.

Mabilis namang humingi ng tulong sa mga pulis ang apat na naulilang mga anak ng mag-asawa na may edad na 21, 18, 16, at 10-anyos, bandang alas-1:40 ng madaling araw. (JESSE KABEL)

149

Related posts

Leave a Comment