(NI CHRISTIAN DALE)
NAKAPAPANINDIG-balahibo at makapigil-hininga ang opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Ipinagmalaki ng Malakanyang ang napakagandang presentasyon kung saan ang lahat ng mga filipino anuman ang edad, social o political status at pinagmulan ay nagpunta at nakiisa sa pagbibigay suporta sa pagho-host ng bansa sa 30th SEA Games.
Dahil dito, binati ng Office of the President ang mga organizers, performers, volunteers, at ang lahat ng nasa likod ng nakamamanghang event, ang unang SEA Games na inilunsad sa indoor venue, sa Philippine Arena sa Bulacan.
Muli ani Presidential spokesperson Salvador Panelo ay nagkaisa ang sambayanang Filipino para harapin ang hamon at ipinakita sa buong mundo ang cultural genius ng mga pinoy at ang sinasabing ‘best of Filipino talent’ sa pagpapamalas ng world-class performances ng mga manga-awit at mananayaw na may kahanga-hangang stage design at production, kabilang na ang cauldron lighting ceremony, at ang nakahahalinang fireworks display.
“We felt the Filipino pride that exuded and reverberated inside the biggest coliseum as our countrymen cheered the entry to the stage of the Philippine delegation, as well as the Filipino sports icons and legends who graced the event and whose presence not only delighted the crowd but gave inspiration to all regional athletes, including 1,868 local athletes,” ayon kay Sec. Panelo.
Ang nakatawag-pansin na sports at musical extravaganza ay hindi aniya nakaligtas sa pahayagan ng Singapore na The Strait Times na nagsabing, “It took just two hours to wipe away a week’s worth of bad headlines.”
Wala aniyang duda na ipinakita ng setemonya ang sinasabing “redoubtable ability” ng Pilipinas sa pagho-host ng napakalaking sporting events sa mundo at i- entertain ang mga dayuhang bisita na may mabuting kalooban.
Kaya nga, umaasa ang Malakanyang na ang event na ito ay magsilbing tinig sa paghawak ng mga Games hanggang ang mga dayuhang bisita ay makaalis ng bansa na may dalang magagandang alaala na hindi makalilimutan ng mga ito kahit kailanman.
Sa kabilang dako, pinuri naman ng Malakanyang ang local media outfits, at maging ang mga writers at bloggers sa social media, sa pagu-ulat ng tama ukol sa matagumpay na seremonya.
“Such truthful and accurate reportage contributed to the pride of all Filipinos as they express their sentiments in cheering for our athletes and our country.The opening ceremony has set the bar high for prospective hosts of international sporting events. For us, this ceremony should remind us that with unity, camaraderie and support, #WeWinAsOne. Cheers!,” ayon kay Panelo.
