Matapos manguna sa surveys sa Muntinlupa DEMOLITION JOB KAY RED MARIÑAS

PULITIKA ang nakikitang dahilan upang gibain ang pangunguna sa surveys ni Muntinlupa mayoralty candidate Marc Red Mariñas.

Ito ang obserbasyon ng mga taga-Muntinlupa makaraang muling hilingin ni Senator Risa Hontiveros na isama si Mariñas sa mga kakasuhan sa kontrobersyal na ‘pastillas scheme’ na kinasangkutan ng ilang Immigration officials.

Matatandaang isinalang sa Senate inquiry ang nasabing usapin kung saan buong tapang namang hinarap ni Mariñas ang mga nag-aakusa sa kanya.

Iginiit ni Mariñas na hanggang ngayon ay pilit siyang pinupulitika ng kanyang mga kalaban at idinadawit sa kontrobersya kahit na siya’y nagbitiw sa pwesto bago ang filing ng certificate of candidacy noong 2019 sa pagnanais na makapaglingkod sa kanyang mga kababayan na lungsod ng Muntinlupa.

Ani ni Mariñas, sa 15 taon na paglilingkod niya sa Bureau of Immigration ay hindi sya gumamit ng anomang koneksyon upang makamit ang kanyang pangarap na umangat at magkaroon ng puwesto sa gobyerno.

Sa halip, unti-unti ang kanyang pag-angat at dumaan muna sa pagiging clerk ng BI bago naging hepe ng Port Operations Division at naging actual Deputy Commissioner ng ahensya.

Noong April 5, 2019 ay binigyan si Mariñas ng clearance ng Office of the Ombudsman na nasasaad na wala itong kinahaharap o pending na Criminal at Administrative case.

Kaya naman nagtataka ang kandidatong alkalde ng Muntinlupa kung bakit ngayong malapit na ang panahon ng kampanya ay pilit inuungkat ng Senadora ang kaso samantalang ito’y kasalukuyang nang nasa korte. Hindi rin nakasuhan dito si Mariñas.

Ang mga Muntilupeño ay suportado ang pagtakbo ni Mariñas para sa pagbabago ng kanilang lungsod. Todo rin ang suporta ng team Red Mariñas sa tambalang BBM-Sara upang maibangon muli ang ekonomiya. (RUDY SIM)

428

Related posts

Leave a Comment