MATATALO SI LENI, LUMARGA NA SI ISKO

SINAMANTALA nina Bise – Presidente Maria Leonor Robredo at Manila Mayor Isko Moreno ang patutsadahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Emmanuel Pacquiao.

Ikinasa ni Robredo ang kanyang programang baksinasyon sa Visayas at ­Mindanao upang makatulong siya sa pagbibigay proteksyon sa mga kababayan natin mula sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Inanunsiyo ni Robredo ang kanyang programa habang hindi pa nababakunahan ang lahat ng residente ng Camarines Sur.

Pokaragat na ‘yan!

Kung hindi pangangampanya ang tawag diyan, hindi ko alam kung ano ang tamang tawag sa pagkilos ni Robredo mula Maynila hanggang Visayas at Mindanao.

Nang mamatay naman si dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco – Aquino III, inihayag ni Robredo ang kanyang paghanga sa una.

Idiniin ni Robredo na ang katangian ni Aquino bilang pinuno ang inaasam niyang makamit at pairalin ng isang lider ng bansa.

Hindi ko alam kung naiintindihan ni Robredo ang kanyang sinabi.

Hindi ako makikipagtalo kahit kaninong tao, kabilang na kay Robredo, hinggil sa mga nagawa ni Aquino noong siya ang pangulo ng Pilipinas mula noong 2020 hanggang 2016.

Ngunit, hindi porke namatay si Aquino ilang buwan bago maghain ng certificates of candidacy (COC) ang mga kakandidato sa iba’t ibang posisyon para sa halalang 2022, ay gagawing halos “excellent” na pangulo si Aquino.

Huwag namang kalimutan ang mga kontra-mamamayang nagawa ni Aquino.

Hindi ba’t binatikos nang todo si Aquino nang pagsabihan niya ang isang matanda noon ng: “Hindi ba’t buhay ka pa?!”

Kung tama ang memorya ko, ito ay naganap pagtapos ng superbagyong “Yolanda”.

Natatandaan pa ba ninyo ang isiniwalat noon ng isang senador na ang pagpapatalsik kay Renato Corona mula sa pagiging punong mahistrado ng Korte Suprema ay mabibiyayaan ng P50 milyong ‘pork’, o mas mataas pa rito, ang bawat senador na ipapadala ito sa porma ng Disbursement Acceleration Program (DAP) mula sa Department of Budget and Management (DBM) alinsunod sa kagustuhan ni Aquino?

Ang isa pang desisyon ni Aquino ay ang napabalitang sadyang pagbalewala sa “chain of command” ng ­Philippine National Police (PNP) nang ilunsad ang pagtugis sa notoryus na teroristang nagtatago sa lungga ng mga Muslim.

Kaugnay sa operasyong ito, namatay ang 44 kasapi ng PNP na nakadestino sa Special Action Force (SAF) at mahigit isang dosenang Moro na hindi nila nakamit ang katarungan hanggang matapos ang termino ni Aquino noong Hunyo 30, 2016.

Kung ganyang klase ng liderato ang kokopyahin ni Leni Robredo, pihadong matatalo siya sa halalan.

Ito namang kampo ni Mayor Francisco Domagoso na higit na kilala sa pangalang ‘Isko Moreno” ay naglabas na ng t-shirt na mayroong nakalagay na “IMP” – Isko Moreno Pilipinas.

Pokaragat na ‘yan!

163

Related posts

Leave a Comment