MATIYAGANG HOUSE-TO-HOUSE CAMPAIGN NG TRABAHO SA MAKATI, MAY ‘NILAGA’ NA

“PAG may tiyaga, may nilaga.”

Iyan ang magandang manifestation sa karanasan ni TRABAHO Party-list nominee Ninai Chavez sa kanyang pagdalo sa National Women’s Month celebration sa Makati City Hall noong Marso 23, 2025.

Ibinahagi ni Chavez na ikinatuwa niya na nagbubunga na ang kanilang “house-to-house campaign” sa mga residente ng Makati sa kanilang mga bahay at mga tindahan.

“Nakakakilig na sila na ngayon ang lumalapit sa min dahil naalala nila na pumunta kami sa bahay nila!,” pagbabahagi ng TRABAHO nominee.

Noong nagsimula ang kampanya ay tulung-tulong umano ang mga nominee at miyembro ng TRABAHO sa pag-iikot sa Metro Manila pati na rin sa malalayong probinsya. Ginawa nilang prayoridad na bumaba mismo sa mga komunidad- personal na magpakilala sa publiko at ibahagi ang kanilang plataporma para sa mga manggagawa.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin din rin ni Chavez na “ang kababaihan ang mga tunay na hero ng bahay.”

Kinilala niya ang tiyaga at tapang ng mga babae na tuluy-tuloy lamang lumalaban sa mga hamon ng buhay.

“Nandito na ang TRABAHO Party-list para maging kaagapay ng ating mga nanay at kababaihan,” dagdag pa ng nominee na matagal nang may adbokasiya para sa kababaihan.

Ayon sa kanilang adbokasiya, isinusulong ng TRABAHO Party-list, bilang 106 sa balota, ang mga inklusibong polisiya na susuporta sa mga manggagawang kabilang sa mga marginalized sector, kabilang ang kababaihan, mga senior citizen, mga taong may kapansanan, at LGBTQIA+ community.

35

Related posts

Leave a Comment