MAY COVID-19 SA MAYNILA, 127 NA

UMAKYAT na sa 127 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa Maynila, ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Sa kanyang Facebook Live, inanunsyo ng alkalde ang nadagdag na 11 pang kaso mula sa 116.

Nasa 337 naman ang bilang ng PUIs sa lungsod. Lima ang gumaling na at nagnegatibo na sa naturang sakit na binigyan ng ‘send-off ceremony’ ng Manila Infectious Disease sa Sta. Ana Hospital.

Ayon pa sa alkalde, mayroon pang 1,324 na tinutugunan ngayon ang health care workers matapos matanggap ang sagot sa isinagawa nilang online health survey kung nakararanas ng hirap sa paghinga.

Samantala, nasa 188,463 na sa buong lungsod ang nakatanggap ng relief goods mula sa pamahalaang lungsod at tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng ayuda sa mga residenteng apektado ng enhance community quarantine. (DAHLIA ANIN)

196

Related posts

Leave a Comment