APAT na ang positibo sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas, ayon kay City Mayor Tobias Tiangco.
Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ng alkalde na nakatanggap siya ng update mula sa City Health Office na mayroon na namang nag-positibo sa COVID-19 sa lungsod, ang pang-apat na kaso ng nasabing sakit.
Ayon pa kay Tiangco, ang pasyente ay residente ng Brgy. North Bay Boulevard South Kaunlaran.
“Isinugod po siya sa Navotas City Hospital noong March 31 dahil inuubo po siya at hirap siyang huminga. Kinuhanan po siya ng specimen at kanina po dumating ang resulta ng kanyang COVID-19 test,” ani Tiangco.
Ayon pa kay Tiangco, kung malaking sakripisyo ang pananatili sa bahay, paano pa kaya iyong frontliners natin na pinipiling iwanan ang kanilang pamilya at sumabak sa pakikipaglaban sa COVID-19? (ALAIN AJERO)
370 