IMINUNGKAHI ni Senador Christopher Bong Go ang pagkakaroon ng expanded inter-agency task force laban sa sistematikong katiwalian na nangyayari sa mga ahensya ng pamahalaan.
Kasabay nito, hinimok ng senador na magpataw ng mga preventive suspension sa mga akusadong opisyal upang mapanatili ang integridad ng pagsisiyasat.
Ang panukala ni Go ay matapos ang mga ulat na laganap ang sistematikong katiwalian sa iba`t ibang ahensya, tulad ng umano’y mga anomalya sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BOC), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ang rice smuggling sa Department of Agriculture, at iba pa.
“It is enraging to hear such reports because we, led by President Duterte, have always adopted a zero-tolerance policy on corruption. This is why I am recommending to the President to create an enhanced task force to put an end to these unscrupulous activities plaguing our bureaucracy,” sabi ni Go.
Ipinaliwanag ni Go na ang iminungkahi nitong task force ay maaaring maging mas may kapangyarihan na bersyon ng nakaraang task force na nilikha upang siyasatin ang PhilHealth – na may pinalawak na saklaw na dapat sakupin nito ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno at dapat payagan na gumana hanggang matapos ni Pangulong Duterte ang kanyang termino sa 2022.
Sinabi ng senador na ang pinalawak na task force ay dapat bigyan ng sapat na kapangyarihan upang magsagawa ng mga pagsisiyasat sa anomang ahensya ng gobyerno na may suporta ng mga kinauukulang ahensya, tulad ng Office of the Ombudsman, Commission on Audit, at ng Presidential Anti-Corruption Commission. (NOEL ABUEL)
211
