TARGET ni KA REX CAYANONG
SA totoo lang, iilan lang ang mahuhusay na mga lider sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kabilang na rito si Cainta City Mayor Elen Nieto na laging inuuna ang kapakanan ng kanyang nasasakupan.
Sa lungsod, tuloy-tuloy ang libreng training para sa solo parents sa iba’t ibang barangay.
Kasama sa mga benepisyaryo ang mga estudyante at kahit na sinong gustong mag-aral ng cake making.
Tuloy-tuloy rin ang pamamahagi ng libreng pasalamin ni Nieto sa kanyang nasasakupan.
Para nga raw sa nagnanais makatanggap ng libreng salamin, magsadya lamang sa mayor’s office upang makapag-fill-up ng form, Lunes hanggang Biyernes, 8am-5pm.
Kailangan lang daw magdala ng ID o identification card na naka-address sa Cainta.
Sa pakikipagtulungan naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), naganap naman kamakailan ang distribusyon ng Assistance for Individual/Families in Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng Protective Service Program.
Sinasabing ito’y handog daw pala ni Cong. Jack Duavit kung saan katuwang nga nila rito ang DSWD, gayundin sina Mayor Elen, Governor Nina Ynares at Board Member Ross Glen Gongora.
Samantala, gaya ni Mayor Nieto, hataw rin sa serbisyo si Antipolo City 2nd District Cong. Romeo Acop.
Isa naman sa mga programa at proyekto ngayon ni Acop ay ang Financial Assistance for Education na laan para sa college students.
Ayon sa tanggapan ni Acop, kapag estudyante ang mismong magpapasa ng requirements ay kinakailangan ang authorization letter mula sa magulang/guardian at photocopy ng valid ID ng magulang na may tatlong specimen signature.
Mas pinaigting at mas pinalawig naman ang pagpapatupad ng Medical Assistance to Indigent Person (MAIP) Program.
Kung hindi ako nagkakamali, layunin ng programang ito na saklolohan at paglaanan ng pinansyal na tulong ang nao-ospital na mga residente.
Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!
327