MAYOR MAX ROXAS AT CONG. RODANTE MARCOLETA, MAGKATUWANG SA SERBISYO-PUBLIKO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

TULOY-TULOY ang serbisyo-publiko ni Mayor Max Roxas sa Paniqui, Tarlac.

Ilang buwan pa lamang sa kanyang puwesto ay kaliwa’t kanang programa at proyekto na ang nailatag niya, katuwang ang iba pang mga lingkod-bayan, kasama si Vice Mayor Aida Bien Roxas.

Naging matagumpay kamakailan ang huli at ikatlong araw ng TB Mass Screening na ginanap sa Municipal RHU-1 Health Center sa Paniqui.

Nagkaroon dito ng libreng X-ray, TB testing at libreng gamutan para sa ating mga kababayan doon partikular na ang senior citizens.

“Ito ay pinangunahan ng ating Rural Health Unit (RHU) sa pamumuno ni Municipal Health Officer Dr. Raymond Tañedo at Municipal Nurse I Hector Untalan katuwang ang DOH nurses. Ang proyektong ito ay suportado ng ating butihing Mayor Leonardo Max at Vice Mayor Aida,” ayon sa Paniqui LGU.

Kamakailan, maaga namang pinuntahan ni Mayor Max ang ginagawang bagong palengke.

Sinisigurado ni Mayor Max na maaayos at komportable ang magiging bagong New Paniqui Public Market para sa mamamayang Paniqueño.

Natuwa naman ang mga taga-Paniqui nang dumayo sa kanilang lugar ang DLSU Lady Spikers kung saan dumalo rin sa event sina Mayor Max, Mrs. Marlyn Paragas, Ms. Claudia Cojuangco, Cong. Jaime Cojuangco at Doña Gretchen Cojuangco.

Samantala, tatlong farm-to-market road projects na handog ng Sagip Party-List at ni Congressman Rodante Marcoleta ang iniendorso naman ni Mayor Max na pakikinabangan ng ating mga magsasaka sa mga barangay ng Barang, Brillante at Mabilang.

“Isa na namang proyekto na magbibigay-daan sa mas maraming oportunidad sa ­ating mga mahal na kababayan lalong-lalo na ang ating mga magsasaka. Sasailalim sa pamamahala ng DPWH ang implementasyon ng ­naturang proyekto,” ayon sa tanggapan ni Mayor Max.

Ang Sagip ay kilala sa serbisyo-publiko at katunayan ay nagtutungo ito sa iba’t ibang lugar sa bansa para mamahagi ng ayuda.

Isang medical mission ang handog kamakailan ng Sagip sa ating mga kababayan sa Brgy. Masambong, Quezon City kung saan nagsagawa sila ng libreng check-up at namigay ng mga gamot na sinamahan ng COVID-19 vaccination.

“Kami ay nagpapasalamat sa mga doctor at nurse na boluntaryong nakiisa sa pagsasagawa ng aktibidad na ito, sa city health workers, ma­ging sa Masambong Barangay Council. Muli [maraming salamat po sa inyong lahat] at dalangin namin ang malusog na pangangatawan sa bawat isa,” pahayag naman ng tanggapan ni Cong. Marcoleta.

Mabuhay kayo, mga ­bossing, at more power po!

241

Related posts

Leave a Comment