CERVICAL CANCER AWARENESS, INILUNSAD SA SENADO

INILUNSAD sa Senado ang Cervical Cancer Awareness Movement sa pangunguna ni Senadora Camille Villar, kasabay ng pagbibigay ng libreng HPV vaccine sa mga babaeng empleyado.

Layunin ng programa na maprotektahan ang kalusugan ng kababaihan laban sa Cervical Cancer, lalo na sa gitna ng pagdiriwang ng National Women’s Month.

Nagpasalamat si Villar sa mga katuwang na institusyon kabilang ang Las Piñas District Hospital at ang Senate Medical Team sa matagumpay na rollout ng programa.

Umaasa ang senadora na maisasagawa ito taun-taon upang mas mapalawak pa ang proteksyon ng kababaihan laban sa naturang sakit.

(DANNY BACOLOD)

56

Related posts

Leave a Comment