CRUISE TOURISM PINASISIGLA NG PPA

PINALALAKAS ng Philippine Ports Authority (PPA) ang cruise tourism sa bansa sa pamamagitan ng pinaigting na serbisyong pantalan.

Nitong nakaraang linggo, masiglang sinalubong ng PMO NCR–South ang pagdaong ng dalawang luxury cruise ship sa Pier 15, Manila South Harbor.

Dumaong ang Crystal Symphony para sa dalawang araw na pagbisita bilang bahagi ng 58-araw nitong biyahe mula Mombasa patungong Tokyo, lulan ang 543 pasahero at 483 tripulante.

Isinagawa ang turn-around call kung saan 317 pasahero ang nag-disembark at 278 ang nag-embark, habang 342 pamilya ng mga Pilipinong tripulante ang nakilahok sa crew visit kasama ang trainees ng Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines.

Samantala, dumating ang MSC Magnifica para sa overnight call, bahagi ng 130-araw na world cruise mula Civitavecchia, Rome, Italy, na may sakay na humigit-kumulang 2,500 pasahero at 1,027 tripulante.

Naglaan ng 54 tourist bus para sa city tours sa Maynila at Tagaytay, kasabay ng isinagawang maiden call ceremony bago tumulak ang barko patungong Keelung, Taiwan.

(JESSE RUIZ)

51

Related posts

Leave a Comment