McDon’t! – Atty. Rodriguez BOYCOTT VS VICE GANDA UMANI NG SUPORTA

NAKIISA si Atty. Rodriguez sa mga netizen na nanawagan na i-boycott ang mga iniendorsong produkto ng komedyanteng si Vice Ganda.

Kasunod ito ng viral video clip mula sa concert ni Vice Ganda kung saan marami ang nabastusan sa kanyang ginawang pagpapatawa na tumutukoy sa sinapit ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook page ay nagpost ng video nitong nakaraang Biyernes ang dating executive secretary na nananawagan na boykotin muna ang mga ini-endorse ni Vice kabilang na ang isang fast food chain.

“Ang pinatutukuyan po natin dito sa i-boycott ay walang iba kung hindi ang nambastos kay Tatay Digong, si Vice Ganda,” panimula ni Rodriguez patungkol sa video clip na naka-post sa TikTok account na “Sarsuwela sa Pulitika.”

Nadagdagan pa ang pagkadismaya ni Rodriguez dahil idinamay rin aniya ni Vice ang mga kaibigan mula sa Iglesia ni Cristo.

“Hindi rin pinaligtas nung Vice Ganda ‘yong ating mga kaibigan sa Iglesia ni Cristo. Kung hindi pa ho kayo nanananghali at nag-iisip-isip, wag ho muna tayo mag-Mcdo. McDon’t po muna tayo. Hangga’t si Vice Ganda ang endorser niyan wag muna tayong tumangkilik ng McDonald’s,” ani Rodriguez.

Kumalat sa social media ang joke ni Vice na nagsasabing, “Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC. Promo applies to DDS only. Pinklawans and BBMs are prohibited. Huwag n’yo akong subukan, mga put*** ina n’yo!”

Bagaman marami ang natawa, ikinagalit naman ito ng mga supporter ng mga Duterte.

Kasunod nito, ipinanawagan nila ang hindi pagtangkilik sa mga produktong ineendorso ng komedyante.

112

Related posts

Leave a Comment