MEGA DAM SA ILOILO MAKATUTULONG SA FOOD SECURITY

TIWALA si Senate Minority Leader Franklin Drilon na malaki ang maitutulong ng Jalaur River Multi-Purpose Project (JRMP) sa Iloilo sa pagresolba sa iba’t ibang problema sa food security.

Tinukoy ng senador ang bumabang produksyon sa agrikultura ng bansa na nagreresulta sa kakapusan ng pagkain.

Inaasahang matatapos ang mega dam project sa Disyembre ng susunod na taon.

“Its immediate completion will play a crucial role in the Marcos administration’s commitment to stabilize the food supply and improve food production,” diin ni Drilon.

Ipinaliwanag ni Drilon na ang P11.2 bilyong irrigation project ay magsisilbing suporta sa mga magsasaka at matitiyak ang pagtaas ng produksyon sa agrikultura.

“The construction of Jalaur Multi-Purpose Project will improve agricultural production in Western Visayas and in the country. JRMP will increase annual production of rice in Iloilo to 300,000 metric tons from 140,000 metric tons. It will likewise expand the production areas of sugarcane and other crops,” giit ni Drilon.

Umaasa naman si Drilon na isasama ni President-elect Ferdinand Marcos Jr., na uupo bilang agriculture secretary, sa kanyang mga prayoridad ang construction at completion ng agricultural facilities tulad ng JRMP.

Hanggang noong Mayo 31, nasa 44.80 percent nang tapos ang proyekto makaraan itong mapigilan ng tatlong dekada.

Pinangunahan ni Drilon ang paghahanap ng pondo para sa first large-scale reservoir dam sa labas ng Luzon.

Kabilang sa nagpondo ang Korea sa pamamagitan ng Export-Import Bank na nagkaloob ng $207 million loan at isa rin ito sa single biggest Official Development Assistance (ODA) project ng South Korea.

Target ng JRMP II na sumuporta sa irigasyon sa 31,840 hectares ng farm lots sa Iloilo at sa iba pang parte ng Western Visayas. (DANG SAMSON-GARCIA)

233

Related posts

Leave a Comment