MENSAHE NI PDU30 SA CHINESE NEW YEAR: MAS MATIBAY NA RELASYON SA CHINA

DUTERTE-53

IPINAABOT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang ‘warmest greetings and best wishes’ para sa mga Tsinoy na nagdiriwang ngayon ng kanilang Chinese New Year.

Sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang,  sinabi ni Pangulong Duterte na ang katotohanan na niyakap na rin ng mga Filipino ang Chinese New Year celebration at taunang nagdiriwang na rin nito ay nagpapakita lamang ng malakas at hindi mapaghiwalay na magandang pagkakaibigan at beneficial relations ng Pilipinas at China.

Umaasa rin ang Chief Executive na sa pagbubukas ng bagong pahina ng mga Filipino at Chinese ng ibinahaging kasaysayan ay mas lalong uusbong ang matibay na pagkakaibigan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng kooperasyon, investments, cultural exchanges, at people-to-people ties.

Samantala, tinawagan ng pansin ng Malakanyang ang publiko na manatiling mapagkumbaba at matalino ngayong taon ng ‘Metal Rat’.

Ang Year of the Metal Rat ay sinasabing magdadala ng tagumpay at bagong simula.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, “We are one with the Filipino-Chinese community and everyone, in celebrating the Lunar New Year 2020. This Year of the Metal Rat means the beginning of a new cycle.”

Para sa mga Tsinoy, ang 2020 ay taon ng daga, unang hayop sa Chinese zodiac na sumisimbolo sa bagong simula at kayamanan.

Ang daga rin aniya ay simbolo ng “prosperity” base sa Chinese zodiac.

Umaasa naman si Sec. Andanar na mai-enjoy ng lahat ang “prosperous, safe, and healthy 2020.”

“The animal zodiac (rat) is seen as having the cleverness, successes, and contentment with living a quiet and peaceful life,” ani Sec. Andanar sabay sabing “Let this belief prompt us to live and act humbly and wisely, and motivate us to help each other in the face of unfortunate calamities, epidemics, and other challenges that may lie ahead.”

Ang Chinese New Year ay ipinagdiriwang sa ilang bahagi ng bansa kabilang na ang Binondo sa lungsod ng Maynila, na itinuturing na oldest Chinatown sa buong mundo. CHRISTIAN  DALE

239

Related posts

Leave a Comment