INANUNSYO NG Manila Electric Company o Meralco na magkakaroon ng bawas singil sa kuryente para sa buwang kasalukuyan.
Sa isang kalatas, sinabi ng Meralco na ngayong Setyembre na reading ito mangyayari.
Paliwanag ng pinakamalaking power distributor sa bansa, aabot sa P0.0623 kada kilowatt hour (kWh) ang bawas sa singil sa kuryente.
Ito ay makikita sa September bill, ayon sa Meralco.
Katumbas ito ng P12 na bawas sa mga residential customers na may 200 kWh na konsumo kada buwan.
Papalo naman sa P19 sa mga kumokonsumo ng 300 kWh, P25 sa mga kumokonsumo ng 400 kWh, at P31 sa mga kumokonsumo ng 500 kWh. (CATHERINE CUETO)
131
