NASAGIP ang 31 babaeng biktima ng human trafficking at prostitusyon dakong alas-10:30 ng gabi nitong Huwebes sa pagsalakay nang magkasanib ng pwersa ng WCPC Camp Crame, SIDMS ng Makati Police Station, Makati Social Welfare Division at ng DOLE, sa isang hotel sa Brgy. Poblacion, Makati City.
Habang walong lalaking Chinese national na nagsilbing mga customer ang dinala sa WCPC sa Crame para sa malalim na imbestigasyon.
Ayon sa ulat, tatlong linggong isinailalim sa surveillance operation ang Hotel 88 sa Guerrero Street, Brgy. Bangkal at nang matuklasang ginagamit bilang prostitution den ang pasilidad ay agad isinagawa ang rescue operation.
Ibinubugaw umano sa halagang P15,000 para sa bawat serbisyo ang nasagip na kababaihan, kabilang ang 18 Chinese, isang Korean, isang Vietnamenese.
Nakakuha naman ang WCPC personnel sa room 206 ng condom na mayroong sperm cell at isang babaeng Chinese ang inabutan sa loob.
Samantala, 11 Filipina na nagsisilbing massage therapistsa second floor ng Hotel 88, ang dinala sa WCPC Crame.
Napag-alamang ginagamit ang WeChat App ng prostitution den sa Hotel 88 at doon nakikipagtransaksyon sa mga kliyente.
Hindi naman nakunan ng pahayag ang may-ari ng Hotel 88 dahil hindi nadatnan sa lugar. (DAVE MEDINA)
228