8,000 PULIS IPINAKALAT NGAYONG LABOR DAY

pnp120

(NI JG TUMBADO)

AABOT sa 8,400 mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pakikilusin para tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa inaasahang kaliwa’t-kanang kilos protesta ngayong Araw ng Paggawa.

Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, ipupwesto ang nasabing mga pulis sa mga lugar na pagdarausan ng protesta ng mga militanteng grupo.

Bagama’t may mga pagbabantay sa mga rally, tiniyak ni Eleazar na matututukan pa rin ang ibang anti-criminality operations sa Metro Manila.

Sa ngayon ay wala pa umano silang natatanggap na direktang banta sa seguridad ng mga kilos-protesta sa Labor Day.

Nauna nang nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde sa publiko na doblehin ang pag-iingat kung makikilahok sa mga rally ngayong araw.

Posible rin umanong mayroong mga magsasamantala para magkaroon ng tensiyon o gulo.
May pagkakataon din umano na isakripisyo ng ilang grupo ang kanilang mga kasamahan para makapanakit ng mga inosenteng nagpoprotesta.

“Let this be a warning sa ating mga kababayan na nagjo-join ng mga rally. Hindi po lahat ‘yan ay cause-oriented. Meron diyan na grupo na mag-i-instigate ng gulo, I am sure. Meron diyan na armado na nakatago,” ani Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na kapag nagkaroon ng ng gulo, ibubunton ng mga militante sa gobyerno ang sisi.

“Kaya po tayo nagbibigay babala sa publiko, sa mga gusto sumali sa rally na ganyan. It’s because ito ang gusto nila na may masaktan, na hindi sila [pero] may masaktan na iba. And then they will take advantage of that situation,” dagdag ng heneral.

 

121

Related posts

Leave a Comment