(NI CHERK BALAGTAS)
SIYAM na nga establisimyento ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Lungsod ng Caloocan dahil sa hindi umano pagbabayad ng tamang buwis.Kabilang sa mga establisimiyentong ipinasara ang isang bentahan ng bakal, hardware store, salon, carwash, coffee shop at auto parts shop.
Ayon kay BIR Caloocan Regional Director Manuel Mapoy na ilang beses nang nasita sa hindi tamang pagdedeklara ng buwis ang naturang mga negosyo ngunit patuloy pa rin ang paglabag kaya isinagawa ang pagpapasara.
Nabuking din ng BIR na hindi gumagamit ng rehistradong resibo ang ipinasarang hardware store, kasunod nito, nanawagan ang BIR sa mga negosyante na maghain ng tamang buwis bago magtapos ang itinakdang palugit.
Napag-alaman na higit na isang buwan na lamang ang nalalabi para humabol ang mga negosyante sa pagbabayad ng kanilang buwis.
209