DUTERTE HANDA SA WEST PHILIPPINE SEA ISSUE SA US

dutertewps

(NI BETH JULIAN)

BUKAS si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling masingit sa gagawing pulong sa pagitan nito at ni US Secretary of State Mike Pompeo ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa inaasahang pagdating sa bansa ni Pompeo sa Pebrero 28 hanggang Marso 1.

Ayon kay Panelo, magiging sentro ng pag uusap ang isyu sa terorismo at Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at US pero handa rin naman ang Pangulo sakaling  uungkatin ang usapin sa mga pinag-aagawang isla.

Pero sianbi ni Panelo na hindi naman lingid sa US ang maayos na relasyon ng pangulo sa mga matataas na lider ng China.

Si Pompeo ay aalis sa bansa sa Marso 1 patubgong Hanoi, Vietnam na sasamahan naman si US President Donald Trump sa isang summit kung saan ay makakapulong nila si North Korean leader Kim Jong Un.

Magpapatupad ng mahigpit  na seguridad sa Malacanang at US Embassy habang nasa bansa ang chief US envoy.

107

Related posts

Leave a Comment