BAGONG DAM SOLUSYON SA WATER SHORTAGE – MWSS

mwss12

(NI ABBY MENDOZA)

SINABI ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System(MWSS) Administrator Reynaldo Velasco na isa sa kanilang nakikitang solusyon para matugunan ang kinakailangang supply ng tubig ay ang pagtatayo ng New Centennial Water Source na ang Phase 1 ay ang pagtatayo ng Kaliwa Dam na  may kakayahan na magsupply ng 600 million liters ng tubig kada araw at ang Phase 2 ay pagtatayo ng Laiban/Kanan Dam na kayang magbigay ng 1800 million liters.

Bukod pa rito ang target na rehabilitasyon ng Wawa Dam na kayang magbigay ng 500 million liters, Bayabas Dam, 350 million liters, Sumag River Diversion Project, 135 million liters,  Unutilized Water mula sa Angat na maaaring pagkunan ng 800 million liters at pagtatayo ng bagong tunnel at aquaducts mula sa Ipo dam.

291

Related posts

Leave a Comment