BATAAN NUKE PLANT REVIVAL STUDY POPONDOHAN NG KOREA

POPONDOHAN ng South Korea ang feasibility study kung maaaring buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant, ayon sa Department of Energy (DoE).

Sa isang kalatas, sinabi ng DOE na ang pag-aaral ay mayroong dalawang phase: ang una ay susuri sa kasalukuyang kondisyon ng BNPP at bahagi nito habang ang pangalawang phase ay magsasabi kung ang planta ay maaari pang ayusin at baguhin.

Kung makikita kaagad sa first phase na hindi advisable na magpatuloy pa sa susunod na phase, maaaring magrekomenda ang Korea Hydro and Nuclear Power Co. (KHNP) ng alternatibo, kabilang na ang konstruksyon ng conventional plant o development ng maliit na modular reactor.

“These alternatives will be presented as viable paths forward, offering flexibility in advancing the country’s nuclear energy agenda, based on the results of the initial phase,” ayon sa DOE.

Ang pag-aaral ay magsisimula sa January 2025. Natintahan na ang memorandum of understanding (MoU) sa Palasyo ng Malakanyang sa pagitan ng DOE at KHNP para sa feasibility study sa harap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at South Korean President Yoon Suk Yeol.

Ilang saglit pa pagkatapos ng 2022 elections, sinabi ni Pangulong Marcos na tinitingnan niya na buhayin ang ‘mothballed nuclear power plant’ na itinayo sa huling bahagi ng diktadurang panunungkulan ng kanyang namayapang ama. (CHRISTIAN DALE)

30

Related posts

Leave a Comment